Wednesday, May 9, 2007

Chapter 3: Sa pag Pasok!

sa sobrang lakas ng liwanag na nagmula sa aleng ubod ng wirdo, hindi na namin alam kung anu na ang nangyayari. Nang mawala ang liwanag at sa pagbalik ng aming mga paningin sa normal, isang kakaibang lugar ang siyang tumambad sa aming mga mata. nasa gitna kami ng isang napakalawak na disyerto.

"hooahh! ano ito?", bigkas ni Thomas..

"nasaan tayo? ", tnnung ni Daryl..

"punyeta ang init!", reklamo ng bida..

kami lang ang nakatayo sa disyerto, maya maya pa ay biglang gumalaw ang aming kinatatayuan. yumuyugyog ang paligid, na tila'y parang isang lindol ang nangyayari. palakas ito ng palakas, hanggang sa biglang may lumabas sa kung saan. Isang napakalaking halimaw, animo'y isang napakalaking alupihan ang lumabas subalit ang kalahati ay tao at ang kanyang mukha ay parang sa demonyo. sa pagahon ng halimaw sa buhangin, ito'y napatitig sa amin. isang masamang tingin na nagpapahiwatig na kami'y ang kanyang kunsanadang kainin.

nag tatakbo kami sa takot, hindi magkamayaw ang aming mga paa sa pagtakbo nang biglang may sumulpot na puting ilaw sa aming harapan.

"aray ko mata ko!!" sigaw ni Thomas,

maya-maya pa'y may lumabas na berdeng liwanag,

"ayos!! sapul pare, san galing yun?"

"sa puting liwanag?" sagot ng matikas na bida, ako siyempre.

nagyelo ang buong katawan ng malaking halimaw na sa amin ay nanindak at nagbalak na kami'y kainin, samantala lumabas sa berdeng liwanag ang babaeng nakikita ko lagi, (yung babae sa simula ng kwento na nakita kong tumatae). pero sa pagkakataong iyon hindi na siya dugyutin, mukha na siyang diwata. matapos niyang patamaan ng kakaibang liwanag ang halimaw na siyang nagpatigas sa katawan nito. sinundan niya ito ng isang kakaibang salamangka. mula sa kanyang mga palad may lumabas na apoy na kulay berde at mabilis niyang pinatamaan ang malaking halimaw.

" Erude, Gassheia, Thesaia, Alone, mahiwagang apoy ng Arkadia!! tanggapin mo ito halimaw ka!! "

sabog ang halimaw! naglahong parang bula ang mukhang alupihan na halimaw nang ito'y tamaan ng berdeng apoy na itinira ng aleng nagmukhang diwata.

" aus lang ba kayo? " ,tannung ng magandang babae..

" aus lang ho kami, dibah? " sagot ni Anthony..

" ahh miss may cell number ka ba? single ako 19 yrs. old, may bf ka na ba? could you be my gf? "
,isang mabilis na agaw eksena ng inyong bida..

" huh?! " isang pagtatakang sagot ng magandang babae.. " kung ayos lang kayo, sumunod kayo sa akin at kanina pa kayo hinihintay ng aming supremo." ,pagtutuloy ng magandang babae..
"narinig niyo si abalos ha... sumbong kay Tessa yan, wahahaha.. GG ka knorr.." banat ng makulit na si TY.

" teka nga saan mo ba kami dadalhin? bugaw ka noh?" tannung ni Daryl..

" huwag na kayo mag tatanong doon ko na lang sa bayan ipapaliwanag, tayo na at sayang ang panahon.."

wala kaming nagawa kundi sumama sa aleng tumatae kuno na nagbago at naging magandang babae. nakalipas ang ilang oras. habang binabagtas namin ang daan patungo sa kanilang bayan kasabay ng matinding sikat ng araw, nagtanung si Thomas.

" ale, este magandang binibini kanina pa tayo naglalakad hindi pa rin namin alam ang pangalan mo. anu bang pangalan mo? "

" uu nga, anu bang pangalan mo? " ,kasunod na tannung ni Teo..

" pangalan my ass, boi... " ,pabarang epal na sagot ni Ty kay Teo.
patuloy pa rin sa paglalakad ang magandang babae, animo'y walang naririnig na salita mula sa amin. maya-maya pa'y natatanaw na namin ang isang malaking bayan.

" hayun ang aming bayan, bilisan niyo't maggagabi na.." , turo ng magandang babae.

"masiyado naman demanding itong babaeng ito, suplada naman.. poksahin ko na ito eh.." ,bulong ni Teo.

nang bigla yumugyog ang lupang kinatatayuan namin at lumabas ang mga kakaibang nilalang na mukhang maligno.

" holy shit, ano nanaman ito?" ,gulat na tanong ng bida (ako siyempre..)

"special effects yan boi!"

"magiingat kayo! sila ang mga kampon ng kadiliman, kampon ng pinunong kapre!" paalala ng maganda babae..

maya-maya pa'y naglabasan na rin mula sa kung saan ang mga halimaw na kahalintulad ng halimaw na nakainkwentro namin kanina.

No comments: