Friday, March 30, 2007

Chapter 1: Ang simula (naman..)

Nag uumpisa ang lahat... Isang umaga. Naglalakad ako papasok sa Mapua. Nakakita akong nagtitinda ng fishball. Hindi pa ko nag-aalmusal kaya bumili ako kay manong.

"manong, pabilan nga po ng pisbol.. e2 po limang piso.."
" Maswerte ka bata! ikaw ang unang bumili sa tinda ko! dahil jan gagantimpalaan kita ng magic stick... eto tanggapin mo.."

hindi ko alam kung baliw ba tong si manong, pero mukang mamahalin ang stick na binibigay niya sa akin. Gawa sa stainless steel. Bongga.

"salamat manong.."
" bata! pag may nakita kang ale sa paglalakad mo na naglalabas ng kanyang t*e sa tabi tabi.. ibigay mo yan, sa kanya.." , isang malupit na hirit ni manong...
"ho?!.. ",

gulat na nagtannong. napatingin ako sa stainless stick na binigay niya, at sabay balik tingin kay manong.. mas lalo akong nagulat ng mawala na parang bula si manong.

"t@^$-!n@! saan na yun? sh*t multo.." Sabay takbo ng mabilis.

Sa sobrang bilis ng aking pagtakbo, hindi ko napansin ang maliit na bato sa daan. Kaya ako'y nadapa at sumobsob sa putikan at nauntog sa pader. Nawalan ako ng malay. Nagising ako bigla, nasa jeep ako. biyaheng Sta. Cruz, papuntang city hall. nakatulog lang pala ako sa jeep, palibhasa'y nagpuyat sa pagaaral.

"panaginip lang pala.."

Natatawa ako sa panaginip ko, akala ko kung anu na. Pero nang mahimasmasan ako,

"put*! Imposibe toh! bakit hawak ko pa rin toh?!.. "

hawak ko pa rin ang stainless stick na binigay ni manong. Nagtataka ako kung bakit hawak ko pa rin ang stick. Hanggang sa makarating na ako sa city hall. tinago ko na ang stick sa bag, dahil late na ko sa klase ko. naglalakad ako ng mabilis papasok sa Intramuros, papasok sa Mapua nang biglang may umagaw ng aking atensyon. Nakakita ako ng aleng Tumat*e sa tabi tabi.

"Sh*t! totoo talaga yung panaginip ko!"

sabi ko sa sarili ko.. Hindi ko na pinansin ang ale at dumiretso na ako sa Mapua.

“Sh*t late na ko, alas nueve y media na!”

Pagdating ko sa klasrum, naguumpisa na ang quiz ko sa math, mukhang hirap na hirap ang mga kaklase ko, at wala na ring mauupuan kundi sa likod. Wala na akong matatabihang matalino. Sa likod na ko naupo kasama ang mga mangongopyang estudyante.. tsk tsk.. nakatingin pa sakin yung K*p@l na prof. at parang gusto akong banatan. Well patay malisya at dali daling umupo sa likod.Maya maya pa’y tumunog na ang bell..

“awts, bell na! di pa ko tapos.. bahala na.. mini-mai-ni-mo na toh!”

Pinasa ko na ang papel ko. Grabeh depress nanaman ako kasi wala ako masyadong sagot. Biglang may tumawag sa akin sa kung saan..

“Abalos!!...”

Sabay tapik sa kin ng bag niya, si Alvarez pala yun at si Thomas..

“Oh, bkit?” aking sambit,

"tara Abalos, Dota na tyo.. wag ka na pumasok sa susunod mong klase.." , hirit ni Thomas..

"G*go! yoko nga.. babagsak ako dun kapag di ako pumasok.. tsaka sayang yung perfect attendance..."

Hindi talaga ako sumama pero hinatak nila ako palabas ng school.. so anu pa bang magagawa ko gusto ko din nmn maglaro.. so DOTA mode na!

Habang naglalakad kami papuntang warzone, napansin ko sa di kalayuan ang Aleng nakita ko kanina na tumatae at hanggang ngaun ay tumatae pa rin. Hindi ko alam kung matatakot ba ako oh matatawa sa nakita ko, binalewala ko na lang ulit siya at tuloy ako sa paglalakad.

Bago kami tuluyang pumunta sa warzone, dumaan muna kami sa KANTUNAN, sa kalayuan nakita namin sina Daryl, Teo, Jomer at Ronald(T.Y. for short).

"oh anjan pala sila daryl.." pabulong na sinabi ni anthony,
"tara dun tyo.." banat ng bida..

Sinaluhan namin sina daryl sa pagkain. Matapos kaming kumain kina ate, napagdesisyunan na naming dumiretso na sa warzone.

"Tara its dota tym! seven games ha!" sigaw ni Salvador.

1 comment:

the purple pyrolyptic princess said...

waHahahahaha!!!! ang gaLinG.. bOb onG jR...