Monday, April 16, 2007

Chapter 2: Ang Pagtuklas

Habang kami’y naglalakad papuntang warzone, muli kong nakita ang aleng nakita ko kaninang umaga na tumatae sa kanto. Nakatayo siya sa harap ng warzone. Madumi ang kanyang itsura at gula gulanit ang kanyang damit. Mukha na siyang taong grasa. Habang nagtatawanan ang tropa itinuro ko sa kanila ang ale at sinabi kong.

“Alvarez tingnan mo yung Ale, may asim pa.. hahaha!!”
“tangina mo Abalos, kilabutan ka naman.. hahaha..” sagot ni anthony..
“lola killer talaga yang si abalos..” hirit ni T.Y.

Hindi ko na pinansin ang ale at naglaro na kami sa warzone.. nagsimula kaming maglaro ng mga alas dose ng tanghali at siyempre natapos kami ng alas siete ng gabi.. namumula na ang aming mga mata at nahihilo sa kakalaro sa computer. Bangag na bangag na kami sa paglalaro.. at barag na barag nanaman ang pera ko sa bulsa, tanging pamasahe na lang pauwi ang natira. Nagtatawanan pa kami at nagaasaran, ng lumabas kami sa warzone..

“Putang ina..” sabi ko sa isip ko,

Dahil nandun pa rin ang Ale sa harap ng warzone at hindi umiimik at direktang nakatingin sa mga mata ko, nakakatakot ang kanyang itsura.. pati tuloy sina Salvador ay natakot sa itsura ng Ale. Naalala ko bigla ang mga nangyari kaninang umaga…

“yung magic stainless stick na ibinigay ni manong sa panaginip ko..”

dahil naiirita na rin ako dun sa ale.. nilapitan ko ito kasama ang tropa..

"Ale, bat mo ba ko sinusundan? stalker ka na noh? tatapatin na kita ale.. di ako na patol sa mga taong grasa.. at mukhang kelangan mo ng tissue ahh.." isang panlalait na hirit ko.. grabe.. tama ba yung ginawa ko?

nagtawanan ang buong tropa sa sinabi ko, pero ako parang na guilty sa ginawa ko. Wala pa ring imik yung ale.. at diretso at matatalas na tingin ang siyang nanatili sa kanyang mga mata..

ng inilabas ko yung magic stainless steel, umilaw ang aleng mukhang taong grasa.. umilaw ito hanggang sukdulang liwanag.. hanggang sa balutan kami ng kanyang liwanag.

"puta Abalos ang nakakasilaw!!" isang malupit na mura ng isa kong katropa.

hindi ko makita ang paligid sapagkat lahat kami ay nasisilaw ng kanyang liwanag. Nag alab din ang hawak kong magic stainless stick, at sa di maipaliwanag na dahilan... bigla kaming lumutang.
Nakarinig kami ng boses na nagsasabing..

"Humanda na kayo.. magtutungo na tayo sa mundo ng Ansiyeto.. magkapit kapit kayo!"

aw! anu yun? biglang ganun? waaaa... wow ito na ang adventure.. hahaha.

matapos naming marinig ang boses na iyon.. sabay sabay kaming sumigaw habang nasisilaw sa liwanag na inilabas ng aleng mahilig tumae.

"hhhhhhwaaaaaaaaaaaaaaaaaaaa??!!!!!..."
"oh hinde manonood pa ko ng porn!! waaaa!!!"

No comments: